Sugatang sinalubong ng isang 63-year-old na lalaki ang bagong taon matapos matamaan ng ligaw na bala sa San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa ulat ni San Carlos City Police Chief Superintendent Ferdinand de Asis, magpapaputok pa sana ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Turac nang biglang tamaan ng ligaw na bala sa kanyang kanang braso.
Agad naman isinugod sa ospital ang biktima at kasalukuyang nasa ligtas nang kalagayan matapos sumailalim sa operasyon para tanggalin ang bala.
Susuriin naman ang nakuhang bala sa isang forensic laboratory para sa imbestigasyon.