Walang sapat na kakayahan ang mayorya ng mga Filipino upang gastusan ang pagbili at pagkonsumo ng masusustansyang pagkain.
Batay ito sa pag-aaral ng Food and Agricultural Organization o (FAO)na pinamagatang “The State of Food Security and Nutrition in the World” ni Anna Herforth at grupo ng mga researcher.
Sa datos ng Our World in Data, 64.25% ng mga Pinoy ang hindi abot-kaya ang healthy diet sa presyong P200 kada araw.
Nangangahulugan ito na aabot sa 67.57 million noong 2017 ang mayroong limitado o walang access sa healthy diet para sa malusog na pangangatawan.
Tinukoy sa FAO report ang mataas na presyo ng mga masustansyang pagkain hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo ang dahilan kaya’t marami ang wala o limitado ang healthy diet. —sa panulat ni Drew Nacino