Umarangkada na ang 64 na mga bagong bagon o Light Rail Vehicles (LRVs) ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.
Ayon sa MRT-3 Management, pinalitan ng mga bagong piyesa ang mga bagon sa tulong narin ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.
Bukod pa dito, isinailalim din sa quality tests at simulation runs ang mga bagong bagon upang masigurong maayos itong tumatakbo sa riles ng tren.
Layunin din ng pamunuan ng MRT-3, na ligtas ibiyahe sa revenue line ang mga ito para sa kapakanan ng mga train commuters.