Mayorya ng mga Filipino o katumbas ng 64% ang palagiang sumusunod sa social o physical distancing magmula ng maranasan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa may 4,010 mga respondents sa pamamagitan ng mobile phone poll mula Mayo 4 hanggang 10.
Lumabas din sa survey na 19 na porsyento ng mga Filipino ang madalas na inoobserba ang social distancing at siyam na porsyento ang minsan lamang.
Habang 6% bihirang sumunod sa social distancing at tanging point 5% lamang ang hindi kailanman inobserba ito.
Isa ang social o physical distancing sa mga ipinatutupad na hakbang ng mga awtoridad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.