6 sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang patungo sa tamang direksyon ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y batay sa pinakahuling survey ng OCTA research kung saan 64 % ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang landas ang bansa base na rin sa mga polisiya at programa na ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.
Mas mataas ito ng dalawang porsyento mula sa 62% na naitala noong october 2023.
Naitala ang pinakamataas na bahagdan ng mga Pilipinong naniniwalang tama ang pamamalakad ng pangulo sa Metro Manila na may 81 % habang ang pinakamababang porsyento naman ay naitala sa Luzon na may 57 % .
Samantala, 21% naman ang hindi naniniwalang nasa tamang direksyon ang Pilipinas.
Isinagawa ang naturang survey noong December 10 – 14 sa 1200 respondent. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma