Pinag-iisipan na ng halos 2/3 ng Filipino employees na magpalit ng trabaho ngayong taon.
Batay sa 2025 Human Capital Employee Sentiment Study ng Global Risk Management and Insurance Brokerage firm na Aon, 64% ng survey respondents sa Pilipinas ang nagsabing nasa proseso na sila ng paghahanap ng ibang employer o bagong trabaho sa susunod na taon.
Sa tindi ng talent competition, binigyang-diin ng Aon ang pangangailangan ng focus sa total rewards para ma-retain at hindi mag-resign ang mga empleyado.
Ayon kay Aon Growth Lead for Talent Solutions Josef Ayson, mahigpit ang skill competition sa buong bansa, hindi lamang sa Maynila kung saan readily available na ang skills, kundi maging sa mga lungsod ng Cebu at Davao.
Base sa pag-aaral, top five valued benefits ng mga empleyado sa Pilipinas ang medical coverage, paid time off, work-life balance programs, career development at retirement savings. – Sa panulat ni Laica Cuevas