Umakyat sa 64 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring na airstrike sa tigray region sa Ethiopia.
Kabilang sa mga nasawi ang mga bata, health workers ngunit iginiit ng Ethiopian army na hindi nila tinatarget ang mga sibilyan.
Nasa 180 indibidwal naman ang nasugatan sa nangyaring pambobomba.
Nanawagan naman ang united nations ng imbestigasyon sa naganap na airstrike. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico