Aabot na sa 64 ang patay sa anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Bulacan at ilang bahagi ng Metro Manila, sa loob lamang ng apat na araw.
Sa Bulacan, 32 na ang nasawi sa mga inilunsad na operasyon simula noong Lunes hanggang kahapon sa Marilao, Obando, Pulillan, Balagtas, San Miguel, Plaridel, Guiginto, Norzagaray, Santa Maria, Baliwag at San Jose del Monte City.
Samantala, 18 na ang patay sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation ng Manila Police District sa Port Area; Sampaloc; Malate at Sta. Mesa sa loob lamang ng walong oras simula alas-7:00 kagabi.
Bukod pa ito sa 14 na napatay sa ilang panig ng Metro Manila na karamiha’y naitala sa Quezon City at Caloocan City, simula Martes ng gabi hanggang kaninang madaling araw.
Ito na sa ngayon ang pinakamadugong serye ng kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.
By Drew Nacino / (With reports from Gilbert Perdez, Theofel Santos, Jopel Pelenio)