Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabilis sa distribusyon ng lupa para sa mga nagbalik-loob na rebelde.
Ayon kay Cabinet Secreatry Karlo Nograles, mahigit 6,400 hektarya ng lupain ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan para sa mga dating rebelde.
Aniya, kinikilala ng Pangulo ang napakalaking papel ng proyekto para sa isinusulong na pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Magugunitang noong nakaraang linggo, pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng amnesty ang mga dating rebelde na naharap sa kasong may kinalaman sa kanilang politikal na paniniwala sa ilalim ng revised penal code at special penal laws.