Inaasahang hindi bababa sa 65.5 milyong botante ang boboto sa 2022 National and Local Elections.
Sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, nakapagdagdag ng 8,147,080 na botante sa registration period kasama na rito ang mga nag pa re-activate na botante para sa susunod na halalan.
Dagdag ni Jimenez, nakapagtala ang komisyon ng nasa 4,094,614 na mga bagong botante na may edad 18 hanggang 21 taong gulang.
Batay sa datos ng COMELEC, karamihan sa mga bagong rehistro ay kabilang sa 21-anyos na kinapapalooban ng 750,578 lalaki at 796,891 babae.
Samantala, nasa 171,033 naman ang bilang ng mga bagong rehistrado na tumuntong sa 18 taong gulang.