Kumitil na ng 65 katao ang malawakang pagbaha sa bansang Rwanda sa Silangang Africa.
Ayon sa Ministry of Emergency Management, nagdulot ng mga pagbaha at landslides ang halos walang tigil na pag-ulan doon.
Sinasabing maraming istraktura ang napinsala habang may mga bumigay ding tulay bunsod ng kalamidad.
Kabilang sa mga pinaka-matinding sinalanta ay ang pitong distrito sa naturang bansa.