Patay ang 65 katao sa panibagong airstrikes sa silangang Aleppo sa Syria.
Ito’y sa harap na rin ng walang tigil na opensiba na ginagawa ng syrian government bunsod ng naudlot na ceasefire.
Ayon sa Aleppo Media Center, maliban sa mga nasawi ay mahigit dalawang daan katao rin ang nasugatan sa serye ng pambobomba.
Nagkagirian naman ang mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa sa ginanap na United Nations Security Council.
Sinasabing inakusahan kasi ni US ambassador Samantha power ang Russia na sangkot sa mga pagpatay o ‘barbarism’ sa Syria.
Sa halip umano na isulong ang kapayapaan at tulungan ang mga sibilyan ay walang tigil ang pambobomba ni Syrian president Bashar Hafez Al-Assad na katuwang ang Russia.
By Jelbert Perdez