Balik-bansa na ang animnapu’t limang (65) mga Pilipinong mangingisda na nahuling iligal na nangingisda sa isla ng Sulawesi, Indonesia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bukod sa naturang mga mangingisda mayroon pang susunod na batch na binubuo naman ng pitumpu’t isang (71) mga Pilipinong mangingisda.
Sa tala ng Philippine Consulate General, noong nakaraang taon umabot na sa 689 na mga mangingisdang Pinoy ang naaresto sa naturang bansa ngunit kinalaunan ay napauwi rin.
Una nang inilarga ng Indonesian government ang mas istriktong implementasyon ng anti-illegal fishing policy sa kanilang nasasakupan.
By Rianne Briones