Animnapu’t limang (65) miyembro ng ISIS ang patay sa panibagong pag-atake ng Turkish Army sa northern Syria.
Ayon sa Turkish Defense Ministry, pinaulanan ng mortar at projectile ang isandaan siyamnapu’t apat (194) na targets kabilang ang mga balwarte, command centers at sasakyan ng teroristang grupo.
Inilunsad din ang aerial bombardment ng coalition forces sa Tadif, Abu Jabbar at Uwayshiyah Regions.
Bukod sa ISIS, target din sa Euphrates Shield Operation ng Turkey ang mga rebelde sa pangunguna ng Syrian Kurdish People’s Protection Units na military wing ng Syrian Kurdish Democratic Union Party.
By Drew Nacino | Story Credit: CNN PH