Nasa animnapu’t limang probinsya sa Pilipinas ang posibleng makaranas ng dry season sa susunod na taon.
Ayon kay Science Technology Secretary Renato Solidum Junior, nasa 77% ng mga probinsya sa bansa ang maaaring makaranas ng tagtuyot sa 2024.
Gayunman, hindi nabanggit ng nasabing opisyal ang mga probinsyang posibleng maapektuhan ng naturang panahon.
Magsisimula ang dry season sa Pebrero hanggang Mayo sa susunod na taon kung saan pwedeng umabot hanggang 41°C ang temperatura sa bansa. - sa panulat ni Charles Laureta