Aabot na sa mahigit 8.2 milyong mga batang edad 12 hanggang 17 o 65% ng adolescent sector ang nakakumpleto ng primary COVID-19 vaccine.
Gayunman, sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., na nasa tatlong milyong indibidwal sa nasabing age group ang hindi pa nababankunahan.
Sinabi naman ni Galvez na matagumpay ang COVID-19 vaccination sa mga batang edad lima hanggang labing isa.
Sa nasabing age group, aabot sa 437,939 ang nakatanggap ng first dose, kung saan 68 ang nakaranas ng minor side effects at isang nakaranas naman ng major side effect.