65 mula sa mahigit 100 police trainees sa Nabua, Camarines Sur ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito ilang linggong maaantala ang pagtatapos ng mga nasabing police trainees na tatlong linggo nang nag-eensayo sa regional training center 5 annex ng Philippine Public Safety College at national police training institute sa Sitio Nierva, Barangay Duran.
Ipinabatid ni Leonil Quiniones, head ng Nabua Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na isinalang sa anti-gen test ang police trainees matapos magpositibo ang isang kapwa trainee ng mga ito sa RT-PCR test na isinagawa sa Bicol medical center noong isang linggo.
Ayon kay Quiniones bini-verify pa nila kung saan nakuha ng nasabing police trainee ang virus lalo na’t bago pa magsimulang sumalang sa training ay sumailalim pa sa swab test sa Sorsogon ang mga ito na nag negatibo naman kaya’t nakapasok sa training camp.