Hindi sapat ang P6,500 fuel subsidy para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa kalkulasyon ni Cleanfuel Group of Companies President at Quezon City 4th District Representative Jesus Suntay, kulang ang nasabing halaga ng subsidiyang ipinamamahagi dahil posible pa ring gumastos ang mga tsuper ng pitong libong piso sa loob ng isang buwan sakaling sumirit pa ang presyo ng gasolina.
Samantala, sinabi pa ni suntay na isinusulong niya ang pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform for acceleration and inclusion o train law. – sa panulat ni Airiam Sancho