Tinatayang 650,000 magsasaka at benepisyaryo ang makikinabang sa panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na pahintulutan ang mga umiiral na Agrarian Reform Loan.
Ito ang tiniyak ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella matapos ipanawagan sa kongreso ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address na magpasa ng batas na mag-aamyenda sa Section 26 ng Comprehensive Agrarian Reform Law of 1998.
Ayon kay Estrella, nais ng pangulo na maipasa ang batas “sa lalong madaling panahon” upang makalaya ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo mula sa utang.
Naniniwala rin anya si PBBM na nakakakuha ito ng suporta mula sa kongreso dahil ilang mambabatas na ang nagpahayag ng intensyong ihain ang panukalang batas.
Sa ilalim ng bagong Emancipation Act, iko-condone na ng gobyerno ang lahat ng amortization fees, kabilang ang interes ng mga Agrarian Reform Beneficiaries.
Gayunman, bago ito gawin ay maglalabas ang punong ehekutibo ng isang executive order para magkaroon ng moratorium sa pagbabayad ng amortization, maging ang mga interes.
Nilinaw naman ng kalihm na ang mga benepisyaryong maagap sa pagbabayad ng kanilang amortization fees at interes ay bibigyan ng insentibo sa anyo ng mga rebate o karagdagang support services.