Umabot sa 653 ang naitalang volcanic earthquake ng Phivolcs simula nang mag alburoto ang bulkang Taal nuong Linggo, January 12.
Ayon sa Philvolcs, ang mga nararanasang pag galaw ng lupa ay senyales na patuloy ang magmatic intrusion sa bulkan na maaring mauwi sa mga susunod pang pagsabog.
Simula 8:00 ng umaga kahapon Biyernes, January 17 ay mayroong mahihinang pagbuga ng abo ang bulkan at may naitalang 5 mahihinang pagsabog.
Nanatili naman sa alert level 4 ang Taal volcano na nangangahulugan na posible pa rin ang hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras at araw.