Nakapagtala ng mahigit 650 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariants ang bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 624 ang bagong kaso ng Omicron BA.5, 13 kaso ng BA.4, isang kaso ng BA.2.12.1 at 18 ang “other sublineages.”
Sa nasabing bilang ng BA.5 cases, 134 dito ay naitala sa metro manila, 119 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 61 sa Calabarzon.
Na-detect naman ang 11 kaso ng BA.4 sa Soccsksargen habang tag-isa sa Central Luzon at Visayas habang sa Central Luzon din naitala ang isang kaso ng BA.2.12.1
Ayon sa DOH, ang naturang resulta ay mula sa latest sequencing na isinagawa noong September 2.