Pumapalo na sa mahigit 656,000 individuals ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) sa gitna na rin ng halos isang buwan nang pagbabakuna ng bansa laban sa virus.
Ayon sa DOH nasa 80. 23% ng inilaang first doses ang naiturok na o nasa kabuuang 656, 331 indibidwal.
Batay sa record ng DOH hanggang nitong March 27 ay mayroong mahigit 1.525 million doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas at mula rito ay nasa 1.233 million doses na ang naipamahagi sa implementing siteso katumbas ng 80. 95% mula sa kabuuang bilang ng mga bakuna.
Sa kasalukuyan ay mayroong halos 2, 500 vaccination sites na nagrorolyo ng mga bakuna sa 17 rehiyon sa bansa.
Target ng gobyerno na maunang mabakunahan ang tinatayang 1.7 million healthcare workers.