Dumating na sa bansa si American tv host Steve Harvey.
Alas diyes kaninang umaga nang dumating sa Pilipinas si Harvey na siyang magho-host ng 65th Miss Universe pageant.
Si Harvey ay sinalubong nina dating Ilocos Sur governor Luis ‘Chavit’ Singson at Tourism assistant secretary Ricky Alegre.
Game at tuwang tuwang nagpa-litrato ang Family Feud host suot ang blue green suit, gray pants at tennis shoes kasama sina Singson at Alegre.
Magugunitang naging kontrobersyal si Harvey sa nakalipas na Miss Universe matapos i-anunsyong si Miss Colombia ang nanalo gayung ang tunay na nanalo ay si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach.
By Judith Estrada-Larino