Nasa 66 percent hanggang 86 percent ng mga mag-aaral mula public schools ang bahagyang natuto sa ilalim ng remote learning set-up na ipinatutupad sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Iyan ang lumabas sa isang poll na isinagawa ng movement for safe, equitable, quality and relevant education o Sequre Educ Movement.
Isinagawa ang poll sa 1,299 na public school buong bansa.
Lumitaw na pinakamataas na porsyento o 86.7 percent ang bahagyang natuto ang naitala sa mga nasa ilalim ng modular learning o ‘yung mga nag-aaral gamit ang printed modules.
74 percent naman sa ilalim ng blended learning ang nagsabi na bahagya silang natuto kumpara sa pre-pandemic.
Habang 66 percent ng mga nasa online learning ang nagsabi na bahagya silang natuto.—sa panulat ni Rex Espiritu