Nakumpiska ng awtoridad ang nasa 66 milyong pisong halaga ng smuggled na mga gulay mula sa dalawang container shipment sa port of Subic, Zambales.
Ayon sa intelligence group ng BOC, ang nasabing kargamento ay naka-consign sa JKJ International Co. at EMV consumer goods trading.
Anila, makailang-ulit nang nagpalit ng pangalan ang EMV consumer goods ngunit hindi ito nakalulusot.
Nag-isyu na ng warrants of seizure and detention ang BOC laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa importasyon ng plant products for commercial use at customs modernization and tariff act.
Dagdag pa ng BOC, paiigtingin nila ang pagbabantay laban sa mga smuggled na produkto ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.–-mula sa panulat ni Joana Luna