Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 66 miyembro at mga tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Magsaysay, Misamis Oriental.
Ang mass surrender ay pinangunahan ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) at mga lokal na opisyal ng gobyerno.
Ayon sa mga dating rebelde, napagtanto nila na ginagamit lamang sila sa umano’y masasamang gawain ng NPA tulad ng terorismo at pangingikil ng pera sa kanayunan.
Nangako naman si Magsaysay Mayor Rey Buhisan na tutulungan nilang makabangon ang mga dating local communists at bahagi aniya ito ng mga hakbangin ng pamahalaan upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad sa mga komunidad