Kinakailangang pataasin pa ang 66% ng mga Pilipinong nais na magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Health Secretary Franciso Duque III, bagamat mababa aniya ang halos 70-milyong mga Pinoy na nais mabakunahan.
As of now merong 66% na nagsasabi na sa kanila na magpaturok, so, hindi mataas ‘yan. Pero malaking bilang pa rin ‘yan, dahil that will be equivalent to about 60 million to 70 million Filipinos,” ani Duque.
Subalit tiniyak sa DWIZ ni Duque ang pagkilos ng gobyerno para mapatunayang ang pagiging epektibo ng mga nasabing bakuna base na rin sa mga unang naturukan tulad ng United Kingdom na ngayong linggo inaasahang gugulong ang anti-COVID-19 vaccination program.
Dalawa kasing kumpanya na ‘yan, ‘yung isa alam ko binigyan na nila ng emergency use authorization ‘yung isang kumpanya na US-based. Pero ang Britanya, meron din silang sariling bakuna. Either of the two, pagka ‘yan naman ay dumaan na sa mahigpit na pagsusuri, at nasiguro na ‘yung kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna, hindi naman siguro tayo magdadalawang isip pa na ‘yun din ang gagamitin natin,” ani Duque. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882