Negatibo sa iligal na droga ang 664 empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na sumailalim sa drug test na isinagawa ng national headquarters ng ahensya noong Agosto 22.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, nagsasagawa ang ahensya ng suprise mandatory drug test, isa, dalawa o higit pa sa isang taon.
Ito aniya ay para matiyak na drug-free ang ahensya.
Ang sorpresang drug test ay pinangunahan ni Aquino katuwang si Director 3 Irish Calaguas, acting deputy director general for administration at chief of staff at pinangasiwaan ng PDEA laboratory service na pinamumunuan ni Director III Derrick Arnold Carreon.