Maglalaan ang gobyerno ng 67 bilyong piso para sa implementasyon ng Expanded Universal Health Care program.
Ang karagdagang pitong bilyong piso ay kukunin sa pamamagitan ng approval ng Kongreso sa increase ng subsidy para sa Philhealth ngayong taon kumpara sa 60 billion pesos noong isang taon.
Kabilang ang subsidiya sa hindi pa inaaprubahang 3.7 trilyong pisong 2019 proposed national budget.
Sa ilalim ng proposed budget, 4% ng 67.3 billion pesos ay ilalaan naman para sa administrative expenses.