Dalawa sa tatlong mga Pilipino ang tutol sa Cha-cha o Charter change.
Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia mula Hunyo 15 hanggang 21 kung saan lumabas na 67 porsyento ng respondents ang hindi pabor na palitan ang 1987 Constitution.
Sa nasabing bilang, 37 porsyento ang ayaw sa Cha-cha ngayon at sa hinaharap habang 30 porsyento ang hindi pabor sa kasalukuyan pero bukas para dito sa hinaharap.
Nakasaad din sa nasabing survey na 55 porsyento ng mga Pilipino ang nakaaalam hinggil sa panukalang amyendahan ang konstitusyon.
Habang 74 na porsyento naman ang aminadong konti lamang ang kanilang nalalaman o halos walang ideya hinggil sa 1987 Constitution.
[Pulse Asia June 2018 Nationwide Survey on Charter Change]
—-