Umaabot na sa 676 na mga pribadong paaralan ang pansamantalang magsasara ngayong school year 2020-2021.
Ayon kay Education Undersecretary Jess Mateo, nagpasiya ang mga nabanggit na eskuwelahan iurong na muna ang kanilang pagbabalik operasyon sa susunod na taon sakaling umaayos na ang sitwasyon.
Pangunahing dahilan aniya nito ay ang paglipat ng malaking bilang ng mga estudyante sa pampublikong paaralan, gayundin ng mga guro.
Samantala, umaasa naman si Education Secretary Leonor Briones na magbabago pa ang plano ng mga nabanggit na pribadong paaralan at ikonsidera ang unti-tunti nang nakababawi na ekonomiya ng bansa.
Sa pinakahuling ulat ng DepEd nitong hulyo, umaabot na sa 250 mga estudyante mula sa pribadong paaralan ang lumipat sa mga public schools ngayong school year.