Isiniwalat ng Partylist group na AWAT o Anti-War Anti-Terrorism na hindi ang Special Action Force o SAF ng PNP ang nakapatay sa international terrorist na si Zulkufli Bin Hir alyas Marwan.
Ito’y sa harap ng pag-ako ng SAF na sila umano ang nakapatay kay marwan na nagresulta sa madugong engkuwentro sa Mamasapano Maguindanao nuing Enero 25 ng nakalipas na taon.
Ayon kay Jose Peping Agduma, painuno ng awat, may isang maliit na grupong pulis ang siyang nakapatay umano kay Marwan sa kasagsagan ng engkuwentro na ikinasawi ng 60 indibiduwal.
Batay sa ulat ng pahayagang inquirer, binuo umano ang grupo ng nuo’y suspendidong PNP Chief Alan Purisima at ang pinuno ng PNP directorate for intellegence na si Charles Calima Jr.
Inihayag din ni Agduma na ang police asset na si Dakutan singgagao na nagsilbing aide ni Marwan ang isyang tunay umanong nakapatay dito.
Alam din umano ni dating SAF Commander Getulio Napeñas ang planong paggamit ng asset para mapatay si Marwan.
Binalaan na rin aniya noon ang SAF na huwag nang tumuloy dahil sa kontrolado ito ng ilang grupo ngunit nagpatuloy sila.
By: Jaymark Dagala