Tinatayang 68 COVID-19 patients ang na-recruit upang lumahok sa randomized controlled clinical trial para malaman kung mabisa at ligtas gamitin ang tawa-tawa bilang adjunctive coronavirus treatment para sa mild hanggang moderate cases.
Sinabi ni Department Of Science and Technology Secretary Fortunato “Boy” Dela Peña na ang project team ay pangungunahan ni Dr. Philip Ian Padilla ng University of the Philippines Visayas, kung saan target ng 11-buwang pag-aaral ang nasa 280 participants.
Sa 68 lalahok, 66 ay mayroong mild cases habang dalawa naman ang may moderate case ng COVID-19.
Una nang inanunsyo ni Dela Peña na lumagda ng Memorandum of Agreement ang UP Visayas at Corazon Locsin Memorial Hospital para sa proyekto.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico