Halos kalahati ng mga Pilipino ang nagsasabi na sila ay may easy access sa COVID-19 vaccination sites sa kanilang lugar.
Iyan ay ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na inilabas nitong Martes.
Ayon sa survey, 68% ng mga adult Filipino ang nagsabi na may access sila sa mga lugar ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Tatlong porsyento naman sa mga ito ang nagsabi na nahihirapan sila at 29% naman ang nagsabi na wala silang anumang access.—sa panulat ni Rex Espiritu