Natuklasang corrupted o sira ang 686 na mga SD o Secure Digital Cards na gagamitin sana sa midterm elections sa Lunes.
Ang naturang mga SD cards ang magsisilbing storage ng encrypted image ng mga balota na papasok sa vote counting machine.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, papalitan nila ang mga corrupted na SD cards ngunit kinakailangan ay kaliwaan ang pagpapalit nito.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Jimenez na handa na ang 85, 769 na main SD cards gayundin ang kaparehong bilang nito na back up SD cards na gagamitin sa halalan.