Nabigyan ng medical assistance ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 69 na deboto na lumahok sa mga aktibidad ng Pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ayon kay Hanna Zaballero, deputy head ng MMDA road emergency group, isa ito sa mga pinakamababang bilang na kanilang naitala kumpara sa mga nakalipas na traslacion.
Sa 69 aniya na mga kaso na naitala mula January 6 hanggang 9, anim dito ay trauma cases, 11 ay medical cases o mga nakaranas ng pagkahilo o pananakit ng ulo, at 52 indibidwal naman ang nagpa-check ng kanilang blood pressure.