Nailigtas ang 69 na hostages ng ISIS sa Northern Iraq na kinabibilangan ng 20 miyembro ng Iraqi Security Force.
Gayunman, isang miyembro ng US Special Operations Force ang napatay sa magdamagang misyon para iligtas ang mga hostage.
Karamihan sa mga nailigtas na hostage ay Arabs kabilang ang ilang local residents at Islamic State Fighters na pinaghihinalaang spy.
By Judith Larino