Umaabot sa 69% ng mga pamilyang Pilipino ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa huling bahagi ng 2020.
Ayon sa SWS, bahagyang mababa ito sa naunang survey noong july 2020 kung saan 72% ng mga pamilya nagsabing nakatanggap sila ng pera mula sa pamahalaan habang 71% naman noong September 2020.
Lumabas din sa survey na mayorya o 54% ng mga respondent ang nasabing isang beses lamang sila nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan habang 46% ang dalawang beses na nakakuha.
Bukod dito, 7% din ng mga pamilya ang nagsabing nagmula naman sa pribadong sektor ang tulong na pera na kanilang natanggap ng magsimula ang COVID-19 pandemic.
Isinagawa ang survey mula Nobyembre 21 hanggang 25, 2020 sa may 1,500 respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.