Naalarma ang United Nations sa dami ng mga batang nakalantad sa panganib na dala ng climate change.
Ayon sa UNICEF, halos 530 milyong bata ang naninirahan sa mga bansang malimit tamaan ng malalakas na bagyo at malalaking pagbaha.
Maliban dito, may 160 milyong bata rin umano ang lumalaki sa mga bansang nakakaranas ng matinding tagtuyot tulad ng Africa.
Sa report ng Unless We Act Now, sinabi ni Nicholas Rees, policy specialist ng UNICEF na kamatayan, pagkasadlak sa kahirapan at sakit ang dala ng climate change sa halos pitondaang milyong kabataan sa ibat ibang panig ng mundo.
Ito anila ang dahilan kaya’t isang malaking aksyon laban sa climate change ang dapat na pagkasunduan ng may 135 mga world leaders sa climate change summit sa katapusan ng Nobyembre.
By Len Aguirre