Nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang mahigit 6,000 katao na itinaboy ng giyerang idinulot ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ng Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Humanitarian Emergency Action Response Team o ARMM-HEART na siyang nagmo-monitor sa kalagayan ng mga evacuees.
Karamihan sa mga residenteng ito ay mula sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, at Sultan sa Baronggis sa naturang lalawigan.
Matatandaang walong magsasaka ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naturang pag-atake ng BIFF.
Tiniyak naman ng liderato ng ARMM at Maguindanao na magbibigay ito ng tulong pinansiyal sa mga apektadong pamilya.
By Jelbert Perdez