Umabot sa 6, 192 ang nadagdag na kaso ng COVID-19.
Batay sa huling tala ng Department of Health umakyat na sa 1, 424, 518 ang kabuuang COVID-19 case sa bansa.
55, 482 rito o 3.9 % ang aktibong kaso o kasalukuyang nagpapagaling pa.
177 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa virus dahilan para umakyat sa 24, 973 ang COVID-19 total deaths sa bansa,
Ito na ang ika-apat na araw na sunod kung saan ang positivity rate ay mababa sa 12%.
Ayon sa World Health Organization, maituturing na kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa isang bansa kung ang positivity rate ay mapapanatili sa 5% pababa sa loob ng dalawang linggo.