Target ng Department of Agrarian Reform (DAR) na magbigay ng tinatayang anim (6) na milyong ektarya ng lupa sa mga magsasaka.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, ipinanukala niya gobyerno at CPP-NPA Peace Panels na isama sa kanilang agenda ang pamimigay ng libreng lupang sakahan sa mga magsasaka.
Partikular sa tinitignan ay ang mga pribado at pampublikong lupaing pang-agrikultura na hindi nakasama sa CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program.
Dapat aniyang isailalim sa review ang mga lupaing tinanggal sa CARP para maging residential o commercial area.
By Rianne Briones
6M ektarya ng lupa planong ipamahagi sa mga magsasaka was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882