Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ika-anim na kaso ng zika virus sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Gerado Bayugo, Pinay mula sa Iloilo ang nagpositibo sa zika.
Batay aniya sa isinagawang pagsusuri sa ihi ng pasyente ay nagpositibo ito maging sa ginawang confirmatory test.
OFWs in Singapore
Samantala, walang namang Pilipinong apektado ng zika virus sa Singapore.
Ito ayon kay Consul General Victorio Dimagiba, Jr. ang nabatid nila sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Ministry of Health ng Singapore.
Sa kabila nito, sinabi ni Dimagiba na hinihimok nila ang 160,000 Pinoy sa Singapore na patuloy na mag-ingat para hindi maapektuhan ng zika virus.
Ipinabatid pa ni Dimagiba na nag-isyu na sila ng advisory para sa mga Pinoy sa Singapore kung paano maiwasan ang zika virus.
Una nang ini-report ng National Environmental Agency ng Singapore ang 242 zika cases sa bansa hanggang nitong nakalipas na September 4.
By Ralph Obina | Judith Larino