Umabot na sa 7.5 milyong Filipino na ang rehistrado para sa PhilSys National ID.
Ito’y sa pag-arangkada ng step 1 ng PhilSys kung saan target na mairehistro ang 9 milyong Pinoy bago matapos ang 2020.
Sa step 1 kinakapanayam at kinukuha ang demographic information ng isang indibidwal.
Mahigit 5 milyon naman ang target na makakatuloy sa step 2 bago matapos ang taon dito kinokolekta ang biometric data tulad ng fingerprint at iris-scan o pag-scan sa mata.
Posible umanong makuha na sa Enero ang PhilSys ID ang matatapos sa biometrics ngayong 2020.