Inihayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na posibleng umabot sa 7.5 million customers ang maaapektuhan ng mataas na singil sa suplay ng kuryente.
Ayon kay ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, sakaling maipatupad ang temporary restraining order, magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ang mga customer sa mga franchise area ng Meralco sa Metro Manila at mga katabing lugar nito.
Layunin nitong maiwasan ang pagkalugi tulad ng nangyari noong 2021 kung saan, P15 bilyon ang nawala dahil narin sa mataas na presyo ng karbon.
Bukod pa dito, nais din ng ERC na maprotektahan ang lahat ng consumers, sa harap ng mataas na presyo nito.