Patay ang 7 miyembro ng Abu Sayyaf makaraang makasagupa ng tropa ng militar sa Sulu.
Ayon sa ulat, 18 naman ang nasugatan sa hanay ng mga sundalo kung saan isa ang nasa kritikal na kondisyon.
Naka-engkwentro ng militar ang mga bandido sa bahagi ng Barangay Panglayahan sa bayan ng Patikul.
Matatandaang noong Martes lamang ay tatlong miyembro din ng ASG ang napatay habang 10 iba pa ang nasugatan sa sagupaan sa Patikul.
By Ralph Obina