Nagsuko ng mga baril sa militar ang pitong alkalde mula sa Sulu.
Isandaan at walumpu’t pitong (187) baril ang itinurn-over sa Western Mindanao Command officials ng mga alkalde ng Talipao, Parang, Omar, Indanan, Maimbung, Jolo at Patikul.
Kabilang sa mga baril ay mga M14 rifles, 30 caliber bar rifles, M79 grenade launchers, M16 rifles AR15 rifles, garand rifles, M203 grenade launchers at kalibre 45.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, nasaksihan nya ang pagdanak ng dugo at hirap na dinanas ng mga taga-Sulu.
Ang turn over aniya ng mga armas ay isang patunay na seryoso ang mga mamamayan ng Sulu na makamtan ang kapayapaan.
Nagpasalamat sa Pangulong Rodrigo Duterte si Omar Mayor Jusshin Muhammad sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao dahil nakatulong ito upang makapagpatupad sila ng gun control sa kanilang nasasakupan.
—-