Patay ang 7-taong gulang na babae matapos na di umano’y saksakin ng 15-taong gulang na binatilyo sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa report ng PNP San Pedro, nakaupo sa labas ng kanilang bahay ang batang babae nang tawagin ng suspek upang maglaro sa kanilang bahay.
Gayunman, bigla na lamang umanong pinagsasaksak ng binatilyo ang bata pagdating sa loob ng bahay.
Nadala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.
Ang binatilyong suspek ay hawak na ng PNP San Pedro para sa kaukulang imbestigasyon.