Isang 7 taong gulang na bata sa Bacolod City na nakaligtas sa isang sakit ang ngayo’y kumakalap ng pondo para naman sa kanyang kaibigang may brain tumor.
Ayon sa ulat, nagbebenta ng mga nga ipinintang cover designs para sa notebook ang batang si Derek Sanchez Sanson sa halagang P100 .
Ang pera na pinagbentahan nya ay ilalaan sana sa pagbili ng isang laruan pero nang malaman niya na may brain tumor ang kanyang kaibigan nagbago ang isip nya.
Ayon sa bata, noong mallit pa siya ay nagkasakit din ito at pinagaling siya ng panginoon kaya gusto rin niyang makatulong.
Sa ngayon, umabot na sa 1,700 ang order sa kanyang produkto.—sa panulat ni Rex Espiritu