Tila dumarami ang bilang ng mga Pilipino na nagwawagi sa larangan ng sports mapa-anumang edad.
Isa na naman ngang Pinoy ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos lumaban sa isang swimming competition sa Bangkok, Thailand nitong Agosto lamang.
Lumahok ang grade 3 student na si Ethan Joseph Parungao mula sa Notre Dame of Greater Manila sa Asian Open Schools Invitational Short Course Age Group Swimming Championship
Sa murang edad, hindi maipagkakaila ang kaniyang husay sa swimming dahil naghakot lang naman siya ng siyam na medalya!
Inuwi ni Joseph sa Pilipinas ang limang gold medals, tatlong silver, at isang bronze.
14 na Asian countries ang lumahok at 600 participants naman ang nagtapat-tapat sa kompetisyon na ito.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakabibilib na kwento ito?